With brothaaaa.
(via bigosapagibig)
Go SCHO!
Kahit may kanya-kanya tayong mundo, e mamiss ko kayo! Ang saya kaya natin, kahit ang KJ ng adviser niyo. Hahahaha! Yun, ilang araw na lang mga teh, ba-bye na! Salamat sa mga memories natin!
Sarap matulog!
‘Yung feeling na minsan ko nang ginawang wallpaper ‘to? :”“”“”>
Waaaaah. Yung crush kong CAT Officer! :”“”> Letse. Hahahaha!
Ang saya lang sa pakiramdam na ‘pag binabati ko siya, ngingiti siya. Heaaaaaaaven dre! Hanggang ngayon may jetlag pa ko dahil nung sabado. Hihihihihi. :”“”“”“”>
‘Yung pag makikita ko siya, men. Namumula ako, tapos speechless. Haaaay, jusko.
PS: Crush lang po. :>

Paggising ko kaninang umaga sumagi sa isip ko ang salitang torpe. Ewan ko lang kung bakit sa lahat ng salita na maiisip ko eh torpe pa ang unang pumasok sa kokote ko. Kaya ayun napaisip tuloy ako at nagmuni-muni hanggang sa biglang nagtanong ang utak ko kung bakit ba may mga lalaking torpe? OO nga noh. bakit nga ba? At dahil sa hindi ako mapakali at gustong-gusto kong malaman ang sagot tinanong ko ang mga kaklase kong lalake. Kahit na walang kwenta ang sagot ng iba, may iba rin namang matino parin ang pag-iisip. Kaya naman nakasummarize ako ng tatlong matitinding dahilan kung bakit natotorpe ang lalaki. (nga pala ang torpe ay ang pagkaduwag at pagiging mahiyain sa gusto mong babae)
Una: REJECTION
Natotorpe ang mga kalalakihan sa isang babae dahil natatakot silang ma-busted. (aminin niyo na) Takot kasi sila na ma-reject. Takot silang masabihan na “Sorry, may gusto na akong iba.” o di kaya’y “Sorry, you’re not my type”. hahaha(brutal ang pangalawa). Ganito lng yan mga torpe, huwag kayong matakot na di tanggapin ng babae ang pagmamahal ninyo sa kaniya dahil “It’s not your loss, It’s hers”. Magisip-isip naman kayo, ikaw na nga tong nag-aalok ng pagmamahal, eh ikaw pa tong tinatanggihan. Kaya move on. Hanap lng ng iba :D. Oo alam kong masakit pero mas mabuti na yon kaysa naman lumalim pa pag-ibig mo sa kanya tapos marereject ka. Eh yun ang mas masakit. Sa kabilang banda paghinarap niyo naman ang takot niyong ma-reject at aminin sa kanya ang nararamdaman mo, eh malay niyo magustuhan din pala kayo ng girl o kaya bigyan kayo ng chance. Ang saya diba? hahaha kaya ganun lng yun, “Huwag na kayong magduwag-duwagan”.
Pangalawa: WORTHLESSNESS
Unang-unsa sa lahat, ang salitang WORTHLESSNESS ay inimbento ko lang kaya wag na kayong kumuha ng dictionary at hanapin ang salitang yan dahil magsasayang lng kayo ng lakas. Oo worthlessness, may mga lalake kasi na feeling nila hindi sila worth it para sa babae. Gaya nalang ng mayaman siya mahirap lng kami o kaya matalino siya, bobo kasi ako. Hay nako, why don’t you give yourself a chance? yun lang yun. Pano ka mamahalin o bibigyan ng tsansa ng babae kung mismo ikaw iniisip mong wala kang K-W-E-N-T-A! Ayusin niyo muna self-esteem niyo bago kayo humarap sa pinakamamahal niyo. Cheer up! konting encouragement lang ang kailangan niyo. Kaya huwag na huwag kayong magsasayang ng panahon na kakaisip na hindi kayo deserving para sa kanya. Dahil baka malay niyo parehas lng kayo ng nararamdaman, naghihintay lng xa.
Pangatlo: DOUBT
Eto ang pinakamatinding rason bakit natotorpe ang isang lalaki sa babae. hahaha. Natotorpe ka sa kanya dahil hindi ka naman talaga sigurado kung mahal mo nga siya. tsk3. “Kindly check your heartbeat mister loverboy”. hahaha. Kung natotorpe ka, samakatuwid eh nagdadalawang isip ka. Nako alisin niyo ang ganyan mentality. Dapat kasi kung mahal mo siya ng tunay di ka na magdadalawang isip pa na sabihin sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Kahit na masaktan ka man, ayos lng naman iyon diba? bsta napaalam mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Kung di ka niya gusto eh pakawalan mo siya hahayaan mong hanapin niya ang tunay niyang kaligayahan. Pakawalan mo rin ang sarili mo sa bigat ng nararamdaman mo at baunin mo lng ang pagmamahal mo sa kanya. Ganito lng yan kung kayo talaga, kayo talaga! It’s just physics, laging nagkakalapit ang north at ang south kasi compatible opposite sides sila at sila talaga ang dapat. diba? P.S. Sa mga lalake, huwag din naman kasi kayong tumutok lng sa isang babae. Kung nabusted kayo hanap ng iba kung nakamove-on na(at pls bilis bilisan niyo. hahah). eh kasi madaming babae diyan na handang makinig at magmahal sa inyo. Andyan lng sila sa tabi niyo. Maniwala na kayo sa akin dahil pagsinabi kong andyan lng sila, andyan lng talaga sila. huwag na kayong magbulag-bulagan. hahaha.
Hindi naman totoo yun eh. Ang babae nga umiiyak kapag nag-iinarte, lalaki pa kaya? Kapag minsan technique lang yan ng mga lalaki para ma-take for granted ang mga babae. Hindi din ako naniniwala na sa effort din makikita ang pagiging seryoso ng lalaki. Kung yan ang basehan niyo ng love, HOW CHEAP!
Sa tingin niyo siguro nag-iimbento lang ako ano? Pero may basehan ang sinasabi ko. Medyo dumaplis sa personal experience pero may mga kilala akong tao. Sabi nga ng best friend kong gwapo, nature daw yun ng mga lalaki para matapos lang ang usapan. Para lang hindi na mag-inarte ang babae, manahimik kung baga. Ang mga lalaki kasi mga manloloko yan at ang mga babae uto-uto. Yun yung katotohanan kaya deal wiith it pero siyempre pag minsan nababaliktad din yun. Siyempre anong tingin niyo sa babae, SANTA? Marurunong din yang manloko.
Doon naman sa isa kong sinabi, oo may ganung lalaki. Pampalipas oras lang, may mapag-gastusan lang ng pera. Aangal kayo? May kilala akong ganun, ayoko lang pangalanan kasi malay mo dumating yung panahon mabasa niya ‘to kaya itago an lang natin siya sa pangalang, Jojo.
Para sa akin, hindi ganyan ang tunay na love. Hindi yan ang sukatan. Dahil ang tunay na pag-ibig walang sukatan at walang batayan. Ang pag-ibig hindi yan parang bigas na tinitimbang dahil ang pag-ibig ay pawang ibinibigay lamang.
Bakit kaya karaniwan sa mga lalaki eh…
- Nagpapakamabait lang kapag may planong ligawan ang isang babae.
- Nagmamagandang loob pa talaga, sobrang caring sa mga babae. May pahatid-sundo pang nalalaman.
- TODO EFFORT.
- Kung makatext lang eh wala talagang araw na di makakalimot na i-greet ka sa umaga man, tanghali o gabi.
- Naghahanap talaga ng time para makasama ka lang.
- Kung nag-uusap kayo sobra kung mambola.
- Lageng iniintindi ang babae kung may mali mang nagawa ito, handang magpakumbaba at magparaya.
- At maraming pagpapakilig pang ginagawa sa’yo, masagot mo lang sila.
Pero bakit ganun, kapag binasted eh ayun naghahanap agad ng iba, di man lang kayang maghintay. Lumalandi agad. Tapos, parang wala lang nangyari, sumusuko agad. Haleer? So ano yun, naghahanap ka lang ng maliligawan para sabihing ASTIG KA, COOL KA kase may gf ka? So, yun lang habol mo at hindi ang pagmamahal? Tae. Di man lang kayo nag-iisip eh, di niyo man lang inisip kung ano ang nararamdaman ng mga babae kapag ganun. Okay lang na humanap ka agad ng iba kung binasted ka sa kadahilanang ayaw niya talaga sa’yo, o hanggang kaibigan lang talaga turing niya sa’yo. At wag naman yung naghanap ka na agad ng iba dahil sa hindi pa siya ready o bawal pa siya sa mga relasyon gayung alam mo namang mahal ka niya. Kung talagang mahal mo siya ay kakayanin mong maghintay kahit ilang taon pa yan.
At pangalawa pa, kung sinagot na kayo ng nililigawan nyo eh pagkaraan ng ilang buwan eh parang wala ka ng feelings sa kanya. Ano yun bubble gum na habang tumatagal eh nagsasawa ka rin sa kanya sapagkat gusto mo an namang maransan ang feelings kapag kasama mo ang iba? Di man lang nag-iisip eh, kaya ka nga sinagot ng isang babae sapagkat para sa kanya nagustuhan ka niya sa mga pinapakita mo nung nanliligaw ka pa. KUNG ANO KA SA NUNG NILILIGAWAN MO PA LANG SIYA EH SANA YUN PA RIN GAWIN MO KUNG NAGING KAYO NA. Kung maari nga eh ligawan mo pa siya araw-araw kung kahit na kayo na, sapagkat malalaman ng babae na mahal mo talaga siya.
Wag naman kayong maging paasa at wag na wag nyo kaming paglaruan. At higit sa lahat wag niyong bastusin kaming mga babae. Kung di mo naman talaga mahal eh wag mo ng ligawan, nakakasakit lang kayo sa mga ginagawa nyong yan.
Ay nako, jusko.